Mula kay Kakang-Gata

Karamihan sa mga sinaunang kundiman ay nagsasaad ng pag-ibig sa Inang Bayan sa pamamagitan ng awit na tila isang harana para sa nililiyag. Tulad ng "Sa Iyo, Inay" na inawit ni Conching Rosal, ang tinutukoy na ina ay may dalawang kahulugan — ang inang nagbigay-buhay sa kanyang mga anak, at ang ating Inang Bayan.

Tulad ng isang anak na nangungulila sa paglingap ng ina, ang mga Pilipino ngayo'y nag-iisa sa laot ng hirap habang tinatanaw ang madilim na hinaharap dahil sa kapabayaan ng mga pinuno ng bayan. Nguni't anong kahihinatnan ng pagtawag sa Inang Bayan na matagal nang nakagapos at lupasay sa pagkakagupiling na kagagawan ng mga diumano'y ginawang tagapagmana ng kapangyarihan ng mga banyagang sumakop sa bayan?

Sandali nating kalimutan ang pagtawag kay Inang Bayan sapagka't gaya ng isinulat ni José Rizal, "umid ang kanyang puso' dila", kung kaya kailangan nating magkapit-bising upang wasakin ang mga tanikalang gumagapos sa kaniya. Ang mga tanikalang ito ay ang maling pananaw at kaisipan na ang pagbabago ay makakamit mula sa kalangitan o kaya'y mula sa ibang bansa. Ang pagbabago tungo sa tunay na kalayaan at kasaganaan ay nasa ating mga kamay.

Gumising ka, Juan de la Cruz, at magbangon!

Back to Galleria ni Don Genaro

Back to HOME