Tula

katha ni
Isabel de Ilocos

 

Santiago, Mayo 2005


Pinatawad
ni
Isabel de Ilocos



Na tumanda na
at bumilog –o bumugá– ang katawan
Ang aking karma ng taong di-pinapansin
Ang pagka-walang kapalaran sa pakikipagugnay sa kalalakihan
simula nang dumating sa edad na 48
at bawat araw ay lalo pang bumabagsak ang “rating” (Dyusko!)

Na walang nagsisipag-hanay sa labas ng aking pintuan
Walang nagtatambakan na sulat sa aking busón
kahit man lamang isang dating kasintahang umaalala ng nakaraang pagmamahalan...
Ang minsang iniisip na madali akong matahin, makalimutan
at hanggang ngayo'y di pa kayang bigyan ito ng walang kahalagahan

Ang ‘sang-katerbang kakulangan
Ang pagpipilit na sunurin ang sariling daanan
Ang labis na kalaluan nang hinirang ang pag-iisa
Pagpili na, ang dahilan sa katotohanan, ay pagkawalan ng opsiyon
na maaaring tanggapin sapagkat karapat-dapat.
Ang dating pagmamalungkot dahil sa laging walang palakpakan
Sa napakamalamig na kawalang-kibo na pabalik-tumalbog galing sa milyon-milyong tao
na hanggang ngayo’y lihim na ngbibigay-hinanakit
…malamang apat o limang minutong… walang-hanggan.

Ang aking kabulagan
ang aking kabingihan
ang aking walang pagkagawa
Ngunit sa kabila ng lahat
bumuhos pa rin ang biyaya, pagkupkop at kabutihan
(datapwat alam kong maaaring mag-iba ito na walang unang babala)

Ang aking bawal na pagbagtas ng daan kung pinirisintá ang pagkakataon
Ang talagang imposible na na ang madla’y
mabulag ng aking walang-kaparis na kagandahan
Ngunit sa kabila nito’y nagpapamataas pa rin
sikat na sikat daw sa pagsasalitaan
at mas mapag-akala kaysa mga tanyag na walang gunigunihan
Heto’t masayang tumutuloy kahit di-tinulungan ng importante't makapangyarihan

Ang halos hindi paghandog ng salu-salo’t kainan
Halos hindi umimbita sa pagtitipon at sayawan
Subalit malimit na nag-alay ng regalong walang okasyon
upang pagpunán ang kawalan ng karingalan
at ang malimit na laáng-gugulíng matamtaman
(badyet yan, kung wala kayong diksyonaryo!)

Ang pagsulat ng tulang di-magaling, na halos lahat makahawig
Ang pagkamana ng karamihan ng di-magandang bukas ng makha ni nanay
At kaunti lamang ng magagandang bukas ng mukha ni tatay

Ang pagkakita ng lahat na aking nakikita
Ang pagdamdam ng lahat na nararamdaman
Ang pagkaalam na hindi ko maiwasan
na kahapon –at tiyak din na bukas–
ay sanhi na ako’y iwasan
o man lamang
walang-kibo na pabayaan

Pinatawad ko na ang aking sarili
Tinanggap ko na ngayon ang sariling katangian
kabilang ang lahat na sinabing nauna
at káhiman ang anuman na di ko nilakip.

 

Santiago, May 2005

Forgiven
by
Isabel de Ilocos



For growing old
For filling –spilling rather—out
For the karma of going unnoticed
For a rate of success with men since age 48 of:
record negative double digits
…and still falling!

For nobody lined up outside my door
or stuffing my mailbox
not even ex lovers offering nostalgic idolatry
For sometimes imagining I am easily dismissed, forgotten
and the embarrassment it can still cause me

For my imperfectionnnnzzzzzzzzzzzz
My insistence on a different route
arrogance in choosing solitude
that is in reality a vacuum of options
anywhere in the vicinity of the acceptable

For the former sadness at the reiterative absence of applause
for the frigid silence bounced back to me by millionzzzzzzzz
that I am as yet secretly unindifferent to
…for about 5, long, minutes

For having been blind
having been deaf
having done nothing
yet being blessed
by a shower of manna, protection, benevolence
(subject --I know-- to change without prior notice)

For jaywalking every chance I get
For the now terminal impossibility
of looking buffed and glossy
yet going all out more than ever
talking the talk, strutting my stuff
out-imagining the famously oblivious
happily making do with no patronage from the important

For having thrown almost no dinners
held almost no parties
though giving gifts aplenty a propos of no occasion
to compensate her lack of savoire faire
and historically limited budget
for writing awful poems that all sound alike
for inheriting too many of mother’s bad features
and not enough of father’s good ones

For seeing what I see
feeling what I feel
knowing what I cannot help but know
and in the past --surely in the future too--
in consequence shunned
leastwise
politely left alone.

I’ve forgiven myself
I accept myself now
inclusive of all the above
notwithstanding everything I’ve left out.

Back to HOME