Make your own free website on Tripod.com

Kuwentong Kutsero

Tuwing hapon puno ng tao ang magkabilang bangko sa harap ng tindahan ni Aling Tinay. Laging masigla ang usapan lalo na kapag pulitika ang usapan,ang paboritong paksa ng kutserong si Mang Ambo, ng jeepney driver na si Ka Berto, at ng istambay na si Pidong.

Mainit ang debate noong hapon na ang naging paksa ay mga japayuki. Pakinggan natin ang kanilang debate.

 

Gloria Labandera  
ni Kakang-Gata


Aling Tinay: Bagay na bagay talagang tawagin na "Gloria Labandera" si Presidente Gloria Arroyo. Talaga namang napakalambot ng puso ni Presidente Gloria sa mga maliliit at inaapi.

Mang Ambo: Umarya na naman si Tinay... huwag kang magpapaniwala sa lahat ng sinusulat sa diyaro.

Aling Tinay: Tingnan niyo ito (ipinakita ang headline ng isang tabloid na tagalog), Halos manikluhod siya sa bansang Hapon na bigyan ng exemption sa bagong batas nila ang mga Pilipino entertainers sa Japan.

Mang Ambo: Yung bang sinasabi nilang dapat ay sertipikadong nakatapos ng dalawang taong training sa pagiging entertainers?

Aling Tinay: Yun na nga. Aba, pag nagkataon baka wala pang diyes porsiyento ang matira sa 80,000 Pilipino entertainers sa Japan!

Ka Berto: Dapat lang naman. Kaya nga japayuki ang tawag sa kanila....

Aling Tinay: Hoy! Magdahan-dahan ka sa pagsasalita mo at baka basagin ko itong bote sa ulo mo!!! Hindi japayuki si Elenita ko!

Ka Berto: Si Mareng Tinay naman, ang daling mag-init. Hindi ba't singer si Elenita? O, eh, di hindi siya japayuki (sabay kindat kay Mang Ambo).

Pidong: Kaya sila tinatawag na japayuki dahil karamihan sa kanil dahil sa side-line nila pagkatapos mag-entertain sa nightclub.

Aling Tinay: Anong gusto mong palabasin, ha.... damuho ka!

Pidong. Wala ho, medyo lang nililinaw ko yung salitang "japayuki".

Ka Berto: Ipagpalagay na nating japayuki nga ang karamihan sa kanila, babae man lalake, dolyares naman ang kinikita nila. Tingnan niyo nga si Ka Petra, nakabili na ng dalawang tricycle na pang-hanapbuhay ng dalawa niyang anak na binata.

Aling Tinay: Aba'y, oo nga ano.... Wala pang isang taon sa Japan si Cherry Lyn ni Mareng Petra. Matipid siguro kaya maraming naipon at ipinadala sa mga magulang niya.

Mang Ambo: Eh, ano ang tawag sa kanila kung dito sila mag-e-entertain!

Pidong: Anufi, eh, di putatsing...

Mang Ambo: At ano ang mas masahol pa sa putatsing?

Ka Berto at Pidong (magkasabay): Bugaw!

Mang Ambo: Samakatuwid... ano ang tawag mo sa mga opisyales na nagkakandrapang ipadala ang ating kababaihan parang maging japayuki?

Ka Berto at Pidong (magkasabay): Mga Kagalang-galang na Bugaw!

Mang Ambo: At ano ang tawag sa pinuno nila?

Ka Berto at Pidong (magkasabay): Her Excellency Madam Gloria Bugaw!!!!

Hanggang sa muling pagkikita!

 

Aurora Borealis

Back to HOME