Buhay alamang, pag lukso ay patay

Nag-abroad si Mariya

Pangarap ni Mariya na balang araw she will go abroad.

"Kahit saan, puwede, basta abroad", sabi ni Mariya. Mas maganda siyempre kung sa America, yung tinatawag na "land of the free and the home of the brave". Sabi nila basta masipag at malakas ang loob, "the sky is the limit" ng maabot.

Hindi sa America nakarating ang pangarap ni Mariya. Hanggang Saudi lang ang narating niya bilang OFW. Pero sabi nga nila, may-awa ang Diyos kaya isang gabing malungkot na minamasdan ni Mariya ang mga tala at bituin mula sa bintana ng kanilang employees' quarters, kumanta siya ng "When you wish upon a star..." at ang kantang 'yon ang naging parang dasal niya sa araw at gabi. Dinadagdan na rin niya nung kanta ni Kermit the Frog para mas marinig sa langit. Mukhang nagbingi-bingihan ang langit dahil natapos na ang kontrata ni Mariya, walang malinaw na sagot sa kaniyang dasal na maktuntong na America.

Tunay ngang sinasagot ang lahat ng ating dasal, kung minsan nga lang ay hindi yung sagot na ating inaasahan ang natatanggap. Pauwi na si Mariya sa Pilipinas na makilala niya ang si Heinrich Brandeiss sa airport ng Abu Dhabi na patungong Pilipinas para magbakasyon. Natipuhan ni Henrich si Mariya pero ayaw ipahalata kaya dedma lang siya para maging mabisa yung softening process niya.

"Can I ask you to be my tourist guide?" tanong ni Heinrich.

"Sure, basta no hanky-panky" pairap na sagot ni Mariya.

"Deal! All expenses paid basta kasama kita. And you can speak tagalog to me, just don't speak too fast." sagot ni Heinrich na halos lumundag ang puso sa kagalakan.

Dalawang taon ang nakalipas bago kinasal si Mariya at Heinrich Ang totoo, pumayag lang magpakasal si Mariya dahil hindi puwede i-renew ang kanyang tourist visa at humihigpit na ang paghuli sa mga black laboryung mga nagtatrabaho ng walang labor permit.

Tuwing ikalawang taon, nagbabakasyon si Maria at Heinrich sa Pilipinas at agawan ang magkakapatid na sa kanila tumira ang mag-asawa dahil para silang may Santa Claus. Araw-araw masarap ang pagkain at masagana sa San Miguel Beer na paborito ni Heinrich. Agawan rin sila na maging "alalay" sila ni Heinrich sa pagpasyal niya sa mga resort tulad ng nasa Boracay at Palawan. Libre lahat ang gastos, naka-hotel sila, at binibigyan pa sila ni Heinrich ng pocket money.

Nagpapahinga si Maria matapos mag-impake ng dalawang Balikbayan Box na ipinadadala niya taun-taon, nang bigla siyang napasigaw sa pinapanood niya sa Discovery Channel.

"Papa, listen to this, lulubog raw ang Pilipinas sa Pacific Ocean, hindi lang matiyak kung kailan!" halos maiyak si Mariya sa sindak.

Tumawa lang si Heinrich, "C'mon darling, may apo na yung mga apo natin, lumulutang pa rin ang Pilipinas."

"Kaya nga, we should bring them over here, one by one, bago lumubog ang Pilipinas." giit ni Mariya.

"That will be very difficult...."

"Aminin mo na, you do not want them to live with us," sago ni Mariya, sabay ang hikbi. Alam niyang hindi matitiis ni Heinrich na pagbigyan ang gusto niya sa unang patak pa lang ng luha.

"That is not true. You know I love them too. But look, darling, we will never finish the job because, as we bring them here one by one, they continue multiplying like rabbits." sagot ni Heinrich habang hinihimas ang buhok ni Mariya.

Hindi na kumibo si Mariya, pero kinagabihan, hindi siya dalawin ng antok. May katuwiran si Heinrich. Naala ni Mariya ang kapatid niyang si Juanito na siyam na ang anak at mukhang walang balak tumigil.

At Alam niyo ba kung ano ang naging resulta ng project ni Mariya?Tatlong kapatid na lalaki ang patuloy na TNT (tago ng tago) sa Germany; dalawang kapatid na babae ang ipinasok niyang tsimay sa Espaņa; at maraming pamangkin ang naihanap niya ng asaw sa Europa. Pero tulad ng sinabi ni Heinrich, walang katapusan ang project nila because they are still multiplying like rabbits.

Hanggang sa muli...

Kalye Paz

Back to HOME