Make your own free website on Tripod.com

Slow Boat to China

Ang presentasyong ito ay akda ni Kakang-Gata

"Utang dito, Utang doon"
akda ni
Bagwis

Pinipintuho kong Gloriang matimtiman
Maligayang nakaluklok sa Malakanyang
Ikaw pala'y me basbas ni papang Juan Pablo
Sabi ng madla sinungaling yang tulad ni el diablo.

Bakit ika'y utang dito, utang doon
Di ba marami kang yaman kahapon?
Ano ang nangyari sa Marcos milyon
Itinago mo ba sa Jose Pidal kahon?

Dagdagan mo ng buwis VAT ang pilipino
Samantalang pamigay na lang utang ng Meralco
Uutang ka ngayon Beijing chinese
Gudbay na sa powerplant sa Masinloc, Zambales.


Utang dito utang doon
Perang jueteng naman ay naipon
Perang pork barrel ay naglipana
Sino naman kaya ang magmamana?
Utang dito utang doon
Di naman ikaw ang mababaon
Kundi ang mamayan tigib na sa hirap
Madilim at malungkot ang hinaharap.

Go to "Oust Arroyo"

Go to "Starwars Daw"

Back to HOME