Salamat
sa inyong pagdalaw!
Sa
ngayon, karamihan sa mga panulat sa pahinang ito ay
akda ng aking kaibigang si Nora Albarruga na
nagsisilbing tapagsalin ng wika sa bansang Hapon.
Bilang pagkilala sa makahulugang paninilbihan ni Nora
bilang tagapagsalin para sa mga OFW na nasa bansang
Hapon ay pinili ko ang larawan ng dalawang isda na
tila nahihirapang mag-uusap na marahil, at salamat sa
tagapagsalin ay nagkaintindihan rin.
Ang
mga kuwentong akda ni Nora Albarruga ay halaw sa
kanyang mga karanasan bilang tagapagsalin. Sana ay
maibigan ninyo at magbigay-llinaw sa mga isyu at
suliranin na dinaranas ng mga OFW, hindi lamang ng
mga naninilbihan sa bansang Hapon kundi na rin ng mga
OFW sa iba't ibang dako ng daigdig.